Tuesday, October 13, 2015

Ang buhay parang TRAPIK.


Ang buhay parang TRAPIK.
Madaming rason kung saan nagmumula. Minsan sa pagkakaroon ng banggaan, sobrang daming sasakyan ang nag uunahan na makarating sa paroroonan, kahambugan ng abusadong mga may-ari ng sasakyan, driver o kahit traffic enforcer ng daan na nagbubunga ng isang malaking perwisyo sa lahat ng nasa daan.
NaKAKA- bagot kung iisipin, nakaka-pang-init ng ulo, nakaka walang pasensya at nagiging dahilan ng samot saring negatibong isipan.. NAKAKA PAG PROVOKE NG BEAST MODE NGA NAMAN.
Parang byahe sa buhay ng isang tao nga naman.
Madaming taong nag-uunahan, walang nagbibigaya nat at lahat nagmamadali. Lahat may kanya kanyang gustong patunayan. Na nagdudulot ng mas mabagal na pag-unlad sa bawat isa. Lahat naglalamangan.
Pero siguro, depende na lang sayo kung paano dadalhin ang byahe ng buhay. Kung didibdibin mo ba ang negatibong bigat na hatid sayo o titignan na lang sa ibang banda ng kalsada.
Damhin na lang ang saya ng byahe ng buhay kahit may banggaan man o anu ano pang buhol buhol na trapikong mararanasan sa araw araw na byahe n buhay.
Ang mahalaga, nakakangiti ka pa at alam mong bukas, hihinga ka pa at may bagong umaga.
Na ang buhay parang trapik, mabagal man ang pag-usap, MAKAKARATING AT MAKAKARATING KA PA DIN NAMAN SA PAROROONAN.