Saturday, November 1, 2014

Maybe this time, laba won't end.



MAYBE THIS TIME, LABA WON'T END.

                MAYBE THIS TIMEEEEE, love won’t end.
                Mga tugtugan habang naglalaba.
                Habang inuunat ang mga braso with full blast effort para matanggal ang mantsa sa mga damit ko.
                Bigla kong naisip, ang pag-ibig parang paglalaba.
                Kahit gaano pa kaganda ang isang damit, dadating ka sa tagpong mamamantsahin pa din yun, at para bumalik sa dating ganda, kailangan mabasa ulit, masabon, matanggal ang mantsa, mabanlawan at masampay ulit, kailangang mainitan para BUMALIK SA DATING AYOS, BUMANGO AT MULI MONG MASUOT.
                While washing my clothes, there are millions stuff inside of my head.    
                Anu nga ba ang formula ng succesful na paglalaba?
                Ilan drum ba ng tubig ang kailangan mong ibuhos?
                Ilang sabon ang kailangan mapudpod?
                Ilang hagod ba sa brush?
                Ilang fabric conditioner ba kailangan mo ilagay para bumango ulit?
                at Ilang pagbabanlaw ba ang dapat gawin para muling masuot ang isang napakagandang damit?
                Hindi ko alam kung masusuot ko ba ulit ang isang napakagandang damit na yun o may magbibigay ba saking bago,o hahayaan ko na lang na may ibang ng humingi sakin nun pagkatapos ko malabhan, pero alam ko sa sarili kong yung damit na yun ang pinaka-paburito kong damit na nasuot sa talambuhay ko.
                Kasi habang suot ko yung damit na yun, nag-iba ako.
                Pakiramdam ko, ang lakas lakas ko.
                Nuong suot ko yung damit na yun, pakiramdam ko ako si Supeworman at never ko na-imagine magiging matapang ako para suotin ko siya. Na alam kong ginawa ko lahat para masuot siya. na Proud akong suot siya. Na nuong sinuot ko yung damit na yun, nagbago ako, gusto kong ayusin mismo ang sarili ko, para lang maging bagay akong isuot siya.
                At ngayong namantsahan yung damit na yun, ang napakagandang damit na yun, di ko alam kung kailan ko ulit siya masusuot, o kung maususot ko pa ba?  
                Sa ngayon, ilalagay ko muna sa isang napakagandang Cabinet ang damit na yun, iingatan ko, babaunin ko ang ala-alang minsan sa buhay ko, may nasuot akong isang napakagandang damit.
                Na minahal ko yung damit na yun, na higit pa sa pagpapahalaga ko sa ibang bagay sa buong mundo.
TAMA NA NGA, may modelling class pa ko, kailangan ko munang magsuot ng ibang damit,  literal na damit dahil basang basa na ko ng pawis.
                :)



No comments:

Post a Comment